SAMPUNG TAON NA ANG NAKALILIPAS… ISANG NARATIBONG PAGSUSURI SA DANAS AT ALAALA NG MGA MARIKEÑO SA PANAHON NG KALAMIDAD DULOT NG BAGYONG ONDOY (2009)

DIWA E-Journal 8 (1):31-68 (2022)
  Copy   BIBTEX

Abstract

Layunin ng komemoratibong pag-aaral na ito, gamit ang isang naratibong pagsusuri, ang pagturol sa danas at alaala ng mga Marikeño sa panahon ng pananalasa at/o pagbahang idinulot ng Ondoy (Ketsana) noong 2009 at sa mga panahong pagkatapos nito. Habang sentro ng pag-aaral na ito ang apat na barangay ng lungsod o ang mga tinatawag na “tabing-ilog”—Nangka, Tumana, Malanday, at Concepcion Uno—gumamit ang pananaliksik ng dalawang pangunahing método, pakikipagpanayam at pakikipagkuwentuhan. Sa kinasapitan, nakapagluwal ang pananaliksik na ito ng dalawang pangunahing bahagi: una, mga naratibo ng danas at alaala sa panahon ng pananalasa ng Ondoy at ikalawa, pagsisiyasat sa mga sumunod na panahon. Sa kabuoan, nakapaglatag ang pag-aaral na ito ng pitong dalumat ukol sa kahulugan, kabuluhan, at konteksto ng Ondoy sa pananaw ng mga Marikeño: (1) delubyo, (2) kaparusahan, (3) kaligtasan, (4) pagtulong, (5) palatandaan, (6) takot, at (7) kasanayan. Hatid ng pag-aaral na ito ang isang implikasyong magpapahalaga sa dalawang bagay—(1) Araling at Kasaysayang Pangkapaligiran o isang subdisiplinang kakanlong sa pag-aaral ng kasaklawan ng kalikasan at kapaligirang Pilipino at (2) Kasaysayang Pampook o pagsasalaysay ng kasaysayan ukol sa isang partikular na pook. Samakatwid, ang kabuoang implikasyon ay magbibigay-linaw at ambag sa saysay ng Ondoy bílang bahagi ng kalikasan at kapaligirang Marikeño sa unang banda at ang saysay ng Marikina bílang pook sa kabilang banda.

Links

PhilArchive

External links

  • This entry has no external links. Add one.
Setup an account with your affiliations in order to access resources via your University's proxy server

Through your library

Similar books and articles

ANG MORFOSINTAKS NG NAWN PREYS SA BIRI-WARAY.Gina Bernaldez-Araojo - 2023 - Get International Research Journal 1 (2).
Programang Pampananaliksik Tungo sa Intelektwalisasyon ng Wikang Filipino.Leonora F. de Jesus, Niña Lilia Javier & Al Vincent Mendiola - 2023 - International Journal of Multidisciplinary Educational Research and Innovation 1 (4):213-227.
ANG MORFOSINTAKS NG NAWN PREYS SA BIRI-WARAY.Gina Bernaldez-Araojo - 2023 - Get International Research Journal 1 (2):142–158.
Pananalig sa Papel ng Suwerte at Malas: Ang Ligaya ng Lotto sa Pag-asa ng mga Pilipino.Ailyn C. Clacio & Marites T. Estabaya - 2024 - International Journal of Multidisciplinary Educational Research and Innovation 2 (1):44- 62.
Ang kahalagahan ng araling kabanwahan sa konteksto ng globalisasyon at pandaigdigang paglakas ng malayong kanan.Atoy Navarro - 2021 - Manila: Department of Social Sciences, University of the Philippines Manila.
Pag-Ukad at Paglilirip: Masusing Pag-Aaral sa Ibat-Ibang Form ng Nawn Preys sa Isla ng Biri.Gina Bernaldez Araojo, Angelica Bruzola-Harris & Cynic Jazmin Tenedero - 2023 - International Journal of Multidisciplinary Educational Research and Innovation 1 (4):196-212.

Analytics

Added to PP
2023-12-12

Downloads
132 (#138,335)

6 months
109 (#48,106)

Historical graph of downloads
How can I increase my downloads?

Author's Profile

Axle Christien Tugano
University of The Philippines Los Baños

Citations of this work

No citations found.

Add more citations