Ang Kababaihan ng Katipunan, Ang Katipunan sa Kababaihan: Isang Diskurso sa Ambag ng mga Babae sa Himagsikang Pilipino

Saliksik E-Journal 6 (2):97-154 (2017)
  Copy   BIBTEX

Abstract

Matagal nang dinalumat ang konsepto ng Inang Bayan bilang kabuuang tunguhin ng kilusang panghimagsikan ng Kataastaasan, Kagalang-galangang Katipunan (KKK) ng mga Anak ng Bayan. Lehitimong gawain ito dahil bukod sa kontekstong nakaugat ang bayan sa ina/mater vis-à-vis patria, mahihinuha ring malaki ang pagkilala ng Supremong si Andres Bonifacio sa kadakilaan ng kababaihan sa panahon ng himagsikan. Sa kabila nito, masasabing may suliranin sa historiograpiyang Pilipino dahil isinasantabi ng ilang positibista at sexistang manunulat ang kolektibong gunita sa kababaihan bilang kasama ng bayan. Kung kaya’t patuloy itong iwinawasto sa pagdaan ng panahon. Masusumpungan ito kung gagawing halimbawa ang kababaihan sa rebolusyong Pilipino. Naisasantabi sila bilang mga paksa ng pag-aaral o kung minsan, itinuturing na palamuti lamang na kailangang idugtong sa pangalan ng kalalakihan. Kaugnay ng suliraning ito kung kaya’t itinatampok sa pag-aaral na ito ang muling pagsipat sa apat na mahahalagang bagay: (1) kasaysayan ng kababaihang Pilipina noong dantaon 19; (2) pakikisangkot ng kababaihan sa Katipunan at himagsikan; (3) pagtingin ng Katipunan sa kababaihan; at (4) impluwensya ng Katipunan sa pagkilos ng kababaihan sa pagpasok ng dantaon 20. Mangyari pa, titingnan din ang muling pakikilahok ng kababaihan sa mga digmaang bayan sa panahon ng post-Katipunan. Hindi ito bagong pag-aaral kundi isang paglalagom sa mga naunang pag-aaral. Kakikitaan ang papel na ito ng mas matinding hamon at pagpursigi sa pagsusulat ng mga paksa na may kinalaman sa Araling Pangkababaihan at Araling Pangkasarian. Tunguhin ng papel ang holistikong kasaysayan ng kababaihan sa pakikisangkot nila sa Katipunan bilang mga kasama ng bayan.

Links

PhilArchive

External links

  • This entry has no external links. Add one.
Setup an account with your affiliations in order to access resources via your University's proxy server

Through your library

Similar books and articles

Hermano Puli at Imam Bondjol at ang Kanilang Mga Kilusang Mapagpalaya sa Timog Silangang Asya: Mga Tala sa Tungkulin ng Bayan sa Pagyabong ng Kasaysayang Panlipunan.Axle Christien Tugano - 2019 - Tayabas, Quezon, Philippines: Alternatibong Tahanan ng mga Akda at Gawang Nasaliksik (ATAGAN) Inc. at Tayabas Studies and Creative Writing Center.
Pangingibang-Bayan Bilang Pag-aaral sa Ibang Kalinangan: Ang Lakbay-Aral na Akademiko sa Timog Silangang Asya.Axle Christien Tugano - 2021 - Manila, Metro Manila, Philippines: ADHIKA ng Pilipinas, Inc. & National Commission for Culture and the Arts.
Ang kahalagahan ng araling kabanwahan sa konteksto ng globalisasyon at pandaigdigang paglakas ng malayong kanan.Atoy Navarro - 2021 - Manila: Department of Social Sciences, University of the Philippines Manila.
Ang Phallokrasiya ni Duterte sa Midya bilang Mang Kanor ng Politikang Pilipino.Axle Christien Tugano & Mark Joseph Santos - 2022 - Talastasan: A Philippine Journal of Communication and Media Studies 1 (2):30-49.
Nang Hinubog si Eva sa mga Piling Pelikula ng Viva Max: Isang Pagsusuring Feminismo.Liza Jane V. Tabalan - 2024 - International Journal of Multidisciplinary Educational Research and Innovation 2 (1):62-75.
TAGITI: Pagbuo ng Mungkahing Modyul ng mga Alamat ng mga Laboeño.Loren S. Duza & Rose Ann D. Aler - 2023 - International Journal of Multidisciplinary Educational Research and Innovation 1 (4):228-243.

Analytics

Added to PP
2021-07-21

Downloads
1,881 (#394)

6 months
8,287 (#519)

Historical graph of downloads
How can I increase my downloads?

Author's Profile

Axle Christien Tugano
University of The Philippines Los Baños

References found in this work

Briccio Pantas at ang Katipunan sa Batangas.Atoy Navarro - 2015 - Quezon City: Limbagang Pangkasaysayan.
Oriang: Lakambini ng himagsikan.Atoy Navarro & Mary Dorothy Jose - 2014 - Historical Bulletin 48 (1):49-68.

Add more references