Nang Hinubog si Eva sa mga Piling Pelikula ng Viva Max: Isang Pagsusuring Feminismo

International Journal of Multidisciplinary Educational Research and Innovation 2 (1):62-75 (2024)
  Copy   BIBTEX

Abstract

Ang mga pelikula ng viva max ay namayagpag mula ng magkaroon ng lockdown sa Pilipinas. Sa yugtong ito, nagpalabas ang viva films ng mga pelikula sa pamamagitan ng aplikasyong viva max. Sa panonood ng mga pelikula rito, kailangan mag-subscribe ng manonood. Ang pinakamababng subscription nito ay 149.00. Sa plan na ito, isang buwan ng makakapanood ang subscriber ng lahat ng pelikula ng viva max. Nilalayon ng pananaliksik na ito na talakayin ang kalagayan ng kababaihang gumaganap sa mga piling pelikula ng viva max batay sa kanilang katangian at maging ang papel sa lipunan gamit ang lenteng feminismo. Gumamit ang mananaliksik ng thematic analysis. Sa paggamit ng metodong ito, masusing pinag-aralan at binigyang-kahulugan ang mga impormasyon at datos na susuriin. Naging sandigan din ng pananaliksik na ito ang teoryang feminismo kung saan sinuri ang katangian at papel na ginampanan ng bawat tauhang babae sa mga piling pelikula ng viva max upang mabigyang-linaw ang pagbabagong naganap sa kanilang katauhan. Maging ang dahilan nang patuloy na pagtangkilik ng mga manonood sa ganitong uri ng palabas sa kabila ng iba-ibang palabas na matatagpuan sa ilang aplikasyong katulad ng Netflix, Iflix at Disney. Hindi maikakaila na malaki pa rin ang hatak ng mga pelikula na mapapanood sa viva max. Makikita rin sa pananaliksik na ito ang iba-ibang katangian at kakayahan ng mga kababaihan na tiyak na hahangaan ng sinumang manonood. Mga katangiang hindi binibigyang pansin ng ilang manonood lalo na ng mga kalalakihan ngunit kung susuriin, ito ay nagpapakita ng mahahalagang aral na tiyak na kapupulutan ng aral. Mahalagang talakayin ang ganitong uri ng pananaliksik upang magbigay- linaw kung bakit patuloy itong tinatangkilik sa paglipas ng panahon sa kabila ng paglabas ng mga bagong panoorin.

Links

PhilArchive

External links

  • This entry has no external links. Add one.
Setup an account with your affiliations in order to access resources via your University's proxy server

Through your library

Similar books and articles

Ang Konseptong AIDA sa mga Kwentong Jollibee 2016-2022.Sheryl T. Milan - 2023 - International Journal of Multidisciplinary Educational Research and Innovation 1 (4):270-290.
GAMPANIN NG WIKANG FILIPINO SA PAGPAPALAGANAP NG IMPORMASYON BILANG TUGON SA COVID-19 SA LUNGSOD QUEZON.Jerrylen Giva, Charise Fortich & Sheila Mae Paet - 2020 - GAMPANIN NG WIKANG FILIPINO SA PAGPAPALAGANAP NG IMPORMASYON BILANG TUGON SA COVID-19 SA LUNGSOD QUEZON 1 (1):1-10.
ANG MORFOSINTAKS NG NAWN PREYS SA BIRI-WARAY.Gina Bernaldez-Araojo - 2023 - Get International Research Journal 1 (2).
ANG MORFOSINTAKS NG NAWN PREYS SA BIRI-WARAY.Gina Bernaldez-Araojo - 2023 - Get International Research Journal 1 (2):142–158.
Programang Pampananaliksik Tungo sa Intelektwalisasyon ng Wikang Filipino.Leonora F. de Jesus, Niña Lilia Javier & Al Vincent Mendiola - 2023 - International Journal of Multidisciplinary Educational Research and Innovation 1 (4):213-227.

Analytics

Added to PP
2024-03-12

Downloads
270 (#10,407)

6 months
270 (#77,004)

Historical graph of downloads
How can I increase my downloads?

Citations of this work

No citations found.

Add more citations

References found in this work

No references found.

Add more references