Ang Konseptong AIDA sa mga Kwentong Jollibee 2016-2022

International Journal of Multidisciplinary Educational Research and Innovation 1 (4):270-290 (2023)
  Copy   BIBTEX

Abstract

Ang mga kwentong Jollibee na dinalumat ng mananaliksik ay binubuo ng tatlumpot-siyam (39) na mga kwentong hango sa totoong buhay. Tinatalakay ng pag-aaral na ito ang mga konseptong AIDA sa mga kwentong Jollibee sa paraang panghihikayat sa madla gamit ang advertising. Layunin nito na mailahad ang kaugnayan ng konseptong AIDA sa mga kwentong binibigyang tampok ng Jollibee sa iba’t ibang selebrasyon mula sa taong 2016-2022. Kaya naman gumamit ng metodong pagsusuri ng dokumento (document analysis), at thematic analysis ang mananaliksik. Ang prosesong ito ay nagsasangkot ng pagsusuri ng mga elektroniko at pisikal na dokumento upang bigyang-kahulugan ang mga ito, magkaroon ng pag-unawa sa kanilang kahulugan at bumuo batay sa impormasyong ibinibigay ng bawat datos na susuriin. Inilatag din sa pag-aaral na ito ang iba’t ibang teorya na naging sandigan upang maisakatuparan ang metodong ginamit ganoon din ang kabuuang pag-aaral. Dahil dito, natamo ng mananaliksik ang resulta ng ginawang pag-aaral kung saan, natukoy ang konseptong AIDA sa tatlumpot -siyam (39) na mga kwentong Jollibee na inisa-isa sa pamamagitan ng paglalatag sa paraang talahanayan. Makikitang ang naging interpretasyon sa isinagawang pag-aaral ay ang dulot na saya at kakaibang epekto ng mga kwentong Jollibee sa mga manonood nito, tumatangkilik ng mga produkto, at ang walang pinipiling konsyumer. Malinaw na sa sa paglalapat ng mga Konseptong AIDA sa pagpapakilala ng mga produkto ay makatutulong ng malaki upang tangkilikin ito ng mamamayan. Tulad ng pag-aaral na ito, kung saan binigyang pokus ang konseptong AIDA sa mga kwentong Jollibee. Hindi kapansin-pansin kung hindi pagtutuunan ng pansin, subalit dahil sa ilang sandigan ay nabigyan ng katuparan ang pag-aaral na ito. Makikita rin dito ang mga paksang madalas pagtuunan ng pansin sa mga kwentong Jollibee, ito ay ang mga espisyal na okasyon tulad ng; Monther’s Day, Valentines Day, Grandparents Day, at ang Christmas Day. At sa bawat kwentong Jollibee, mababakas ang makatutuhanang nagaganap sa reyalidad ng buhay sa bawat pamilyang Pilipino. Ang makamasang tema nito, at damdaming naipadarama sa bawat kwento.

Links

PhilArchive

External links

  • This entry has no external links. Add one.
Setup an account with your affiliations in order to access resources via your University's proxy server

Through your library

Similar books and articles

ANG MORFOSINTAKS NG NAWN PREYS SA BIRI-WARAY.Gina Bernaldez-Araojo - 2023 - Get International Research Journal 1 (2).
ANG MORFOSINTAKS NG NAWN PREYS SA BIRI-WARAY.Gina Bernaldez-Araojo - 2023 - Get International Research Journal 1 (2):142–158.
Pag-Ukad at Paglilirip: Masusing Pag-Aaral sa Ibat-Ibang Form ng Nawn Preys sa Isla ng Biri.Gina Bernaldez Araojo, Angelica Bruzola-Harris & Cynic Jazmin Tenedero - 2023 - International Journal of Multidisciplinary Educational Research and Innovation 1 (4):196-212.
Nang Hinubog si Eva sa mga Piling Pelikula ng Viva Max: Isang Pagsusuring Feminismo.Liza Jane V. Tabalan - 2024 - International Journal of Multidisciplinary Educational Research and Innovation 2 (1):62-75.
TAGITI: Pagbuo ng Mungkahing Modyul ng mga Alamat ng mga Laboeño.Loren S. Duza & Rose Ann D. Aler - 2023 - International Journal of Multidisciplinary Educational Research and Innovation 1 (4):228-243.
Kuwalitatibong Pag-aaral sa Sikolohiya ng “Sunod”: Danas at Lakbayin ng mga Pangkat Biga.Emalyn B. Puyoc, Gian Karla R. Buslig & Jemalyn Grace T. Mendoza - 2023 - International Journal of Multidisciplinary Educational Research and Innovation 1 (4):244-251.
Pananalig sa Papel ng Suwerte at Malas: Ang Ligaya ng Lotto sa Pag-asa ng mga Pilipino.Ailyn C. Clacio & Marites T. Estabaya - 2024 - International Journal of Multidisciplinary Educational Research and Innovation 2 (1):44- 62.
GAMPANIN NG WIKANG FILIPINO SA PAGPAPALAGANAP NG IMPORMASYON BILANG TUGON SA COVID-19 SA LUNGSOD QUEZON.Jerrylen Giva, Charise Fortich & Sheila Mae Paet - 2020 - GAMPANIN NG WIKANG FILIPINO SA PAGPAPALAGANAP NG IMPORMASYON BILANG TUGON SA COVID-19 SA LUNGSOD QUEZON 1 (1):1-10.
Programang Pampananaliksik Tungo sa Intelektwalisasyon ng Wikang Filipino.Leonora F. de Jesus, Niña Lilia Javier & Al Vincent Mendiola - 2023 - International Journal of Multidisciplinary Educational Research and Innovation 1 (4):213-227.

Analytics

Added to PP
2023-12-11

Downloads
418 (#50,106)

6 months
383 (#5,727)

Historical graph of downloads
How can I increase my downloads?

Citations of this work

No citations found.

Add more citations

References found in this work

No references found.

Add more references