Ang Pagbungkal sa Konseptong Relihiyon sa Talasalitaan ni Bergaño bilang Pagtutulay sa Kultura-Pananampalataya ng mga Kapampangan sa Ika-18 Sigl

Mabini Review 9:33-79 (2020)
  Copy   BIBTEX

Abstract

Hindi maikakaila ang bilis ng paglaganap ng Katolisismong dala ng mga Kastila sa bansang Pilipinas; isang dahilan kung bakit tuluyan nang naiangkla sa pagkatao ng bawat Pilipino ang kahalagahan ng salitang relihiyon. Isa sa mga patunay ng pagkakaroon ng mahigpit na pagyakap ng mga Pilipino sa Katolisismo ay ang mga heritage church na matatagpuan sa Pampanga. Dahil dito, nabansagan ang mga Kapampangan na hindi lamang mahusay sa kusina, kundi pati na rin sa pagkakaroon ng masidhing pagpapahalaga sa kultura-pananampalatayang iniwan ng kanilang mga ninuno. Ito ang naging inspirasyon ng papel, ang makita ang kulturapananampalatayang mayroon ang mga Kapampangan noong ika-18 siglo sa pamamagitan ng paghimay sa talasalitaan ng Kapampangan na isinulat ni Fray Diego Bergaño (1690-1747). Sa pamamagitan ng kwalitatibong pag-aaral at deskriptibong pagaanalisa, ginamit ang talasalitaan ni Bergaño na unang nailimbag noong 1732 bilang pangunahing teksto ng pananaliksik. Inalam at itinala ang mga salitang makikita rito na may kaugnayan sa relihiyon na umusbong sa panahong iyon. Sa tulong din ng panayam mula sa mga paring Kapampangan at ilang taong maalam sa kultura-pananampalatayang Kapampangan, nakagawa ng naratibo ang mga mananaliksik na nagsilbing tulay sa muling pagsilip sa kultura sa pagdarasal, paniniwala sa mga masasamang elemento at sumpa, pagsasabuhay ng pamahiin, tradisyon sa patay, konsepto sa mga bagay na makikita sa loob at labas ng simbahan, at sanhi ng pagkakasala ng mga Kapampangan sa kasaysayan.Ipinakita sa kabuuan ng pag-aaral ang transpormasyong naganap sa kultura-pananampalatayang Kapampangan -- mula sa nakaraan tungong kasalukuyan.

Links

PhilArchive

External links

Setup an account with your affiliations in order to access resources via your University's proxy server

Through your library

Similar books and articles

Ang Konseptong AIDA sa mga Kwentong Jollibee 2016-2022.Sheryl T. Milan - 2023 - International Journal of Multidisciplinary Educational Research and Innovation 1 (4):270-290.
Pananalig sa Papel ng Suwerte at Malas: Ang Ligaya ng Lotto sa Pag-asa ng mga Pilipino.Ailyn C. Clacio & Marites T. Estabaya - 2024 - International Journal of Multidisciplinary Educational Research and Innovation 2 (1):44- 62.
GAMPANIN NG WIKANG FILIPINO SA PAGPAPALAGANAP NG IMPORMASYON BILANG TUGON SA COVID-19 SA LUNGSOD QUEZON.Jerrylen Giva, Charise Fortich & Sheila Mae Paet - 2020 - GAMPANIN NG WIKANG FILIPINO SA PAGPAPALAGANAP NG IMPORMASYON BILANG TUGON SA COVID-19 SA LUNGSOD QUEZON 1 (1):1-10.
Kuwalitatibong Pag-aaral sa Sikolohiya ng “Sunod”: Danas at Lakbayin ng mga Pangkat Biga.Emalyn B. Puyoc, Gian Karla R. Buslig & Jemalyn Grace T. Mendoza - 2023 - International Journal of Multidisciplinary Educational Research and Innovation 1 (4):244-251.
Nang Hinubog si Eva sa mga Piling Pelikula ng Viva Max: Isang Pagsusuring Feminismo.Liza Jane V. Tabalan - 2024 - International Journal of Multidisciplinary Educational Research and Innovation 2 (1):62-75.
Hermano Puli at Imam Bondjol at ang Kanilang Mga Kilusang Mapagpalaya sa Timog Silangang Asya: Mga Tala sa Tungkulin ng Bayan sa Pagyabong ng Kasaysayang Panlipunan.Axle Christien Tugano - 2019 - Tayabas, Quezon, Philippines: Alternatibong Tahanan ng mga Akda at Gawang Nasaliksik (ATAGAN) Inc. at Tayabas Studies and Creative Writing Center.
ANG MORFOSINTAKS NG NAWN PREYS SA BIRI-WARAY.Gina Bernaldez-Araojo - 2023 - Get International Research Journal 1 (2).

Analytics

Added to PP
2022-02-04

Downloads
2,769 (#2,877)

6 months
773 (#1,586)

Historical graph of downloads
How can I increase my downloads?

Citations of this work

No citations found.

Add more citations

References found in this work

No references found.

Add more references