Rehiyonal na Pagboto sa Filipinas: Isang Etikal na Pagsusuri Gamit ang Pilosopiya ng Sakop ni Leonardo Mercado

Talisik: An Undergraduate Journal of Philosophy (1):12 - 25 (2022)
  Copy   BIBTEX

Abstract

Ang rehiyonal na pagboto (regional voting) ay isang penomenon sa Filipinas kung saan nakabatay ang boto ng isang indibidwal sa teritoryal na pagkakaugnay niya sa isang kandidato. Ang hindi patas na distribusyon ng boto ay itinuturing na balakid sa ganap na pagkakaisa ng mga Filipino tungo sa pambansang kaunlaran at pagkakaroon ng hindi makatarungang eleksyon. Layunin ng papel na ito na susuriin ang penomenon ng rehiyonal na pagboto gamit ang mga nakapaloob na etikal na konsepto sa pilosopiya ng sakop ni Leonardo Mercado. Sa ganitong uri ng pananaw-sa-mundo na may mataas na pagpapahalaga sa relasyon niya sa kapwa at kapakanan ng kanyang sakop ay makikita ang pagkakaiba ng mga batayan sa tama at mabuti, mali at masama sa kung ano ang magbibigay kasiyahan at kabiguan sa kanyang sakop. Ang konsepto ng kabutihang panlahat ay anumang nakabubuti sa “lahat” ng kasama sa kanyang sakop; ang pagkakaroon ng dobleng pamantayan ng katarungan; at ang pamantayan sa pagpili ng mabuting lider ay kung sino mang makabubuti at magbibigay kaunlaran sa kanyang sakop at sarili. Sa gayon, mahalaga ang isasagawang pag-aaral upang maunawaan ang penomenon na ito at magkaroon ng pagsusuri tungo sa mga kinakailangang pagbabago upang maglagay kaayusan sa negatibong dulot ng rehiyonalismo partikular sa darating na Halalan 2022. Maaari ding ituring ang papel na ito bilang pagpapalawak sa etikal na katangian ng pilosopiya ng sakop.

Links

PhilArchive



    Upload a copy of this work     Papers currently archived: 92,197

External links

Setup an account with your affiliations in order to access resources via your University's proxy server

Through your library

Similar books and articles

Pagpopook sa pakikipagkapwa ng etika ng pananaliksik pangkalusugan sa Pilipinas.Atoy Navarro - 2019 - Manila: Department of Social Sciences, University of the Philippines Manila.
ANG MORFOSINTAKS NG NAWN PREYS SA BIRI-WARAY.Gina Bernaldez-Araojo - 2023 - Get International Research Journal 1 (2).
ANG MORFOSINTAKS NG NAWN PREYS SA BIRI-WARAY.Gina Bernaldez-Araojo - 2023 - Get International Research Journal 1 (2):142–158.
Ensayklopidiya ng pilosopiya.Romualdo E. Abulad - 1993 - Manila, Philippines: De La Salle University Press. Edited by Romualdo E. Abulad, Florentino T. Timbreza & Herminia V. Reyes.
Pilosopiya ng tao: ilang piniling babasahin.Antonette Palma- Angeles (ed.) - 1988 - Lunsod Quezon: Kagawaran ng Pilosopiya, Pamantasang Ateneo de Manila.
Ako asin an kapwa ko: pilosopiya nin tawo.Wilmer Joseph S. Tria - 2009 - Syudad nin Naga, Pilipinas: Ateneo de Naga University Press.

Analytics

Added to PP
2023-06-28

Downloads
25 (#636,202)

6 months
19 (#137,612)

Historical graph of downloads
How can I increase my downloads?

Author's Profile

Carla Jane C. Zitazate
University of Santo Tomas

Citations of this work

No citations found.

Add more citations

References found in this work

No references found.

Add more references