Pagsasa-Filipino ng Pagtuturo at Pananaliksik sa Agham Panlipunan: Bahaginan ng Best Practices sa Antas ng Silid-Aralan at Departamento/Kolehiyo

Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 6 (1):65-100 (2023)
  Copy   BIBTEX

Abstract

Ang pagpapalaganap ng wikang Filipino ay hindi payak na romantisasyon ng nasyonalismo. Sa halip, ito ay instrumento tungo sa higit na demokratisasyon ng wikang Filipino, at samakatuwid ay may malalim na implikasyon sa usapin ng katarungang panlipunan. Sa kontekstong ito mabibigyang-diin ang dulot na suliranin ng Dambuhalang Pagkakahating Pangkalinangan, na dahilan kung bakit mas namomonopolisa ng elit ang mga daluyan ng kapangyarihan tulad ng edukasyon, komersyo at pulitika. Tungo sa paghahanap ng lunas sa suliraning ito, makatutulong ang pagsasa-Filipino ng agham panlipunan bilang esensyal na bahagi ng sistemang pang-edukasyon. Bilang ambag sa adhikaing ito ng pagsasa-Filipino ng agham panlipunan, naglunsad ang pag-aaral na ito ng isang payak na bahaginan ng best practices para sa pagsasa-Filipino ng pagtuturo at pananaliksik sa antas ng silid-aralan at Departamento/Kolehiyo. Hinalaw ang best practices na ito mula sa iba’t ibang guro, mananaliksik, at institusyon, para makabuo ng isang munting imbentaryo ng mga “armas-panturo.” Binubuo ang imbentaryong ito ng 17 gawi/aktibidad/programa para sa antas ng silid-aralan, at 6 gawi/aktibidad/programa para sa antas ng Departamento/Kolehiyo. Nilalayon na maging munting batis ang imbentaryong ito para sa pagpapainam ng pedagohiya ng mga guro at polisiya ng mga institusyon tungo sa higit na pagsasa-Filipino ng pagtuturo at pananaliksik sa agham panlipunan.

Links

PhilArchive

External links

  • This entry has no external links. Add one.
Setup an account with your affiliations in order to access resources via your University's proxy server

Through your library

Similar books and articles

Pagpopook sa pakikipagkapwa ng etika ng pananaliksik pangkalusugan sa Pilipinas.Atoy Navarro - 2019 - Manila: Department of Social Sciences, University of the Philippines Manila.
Filipino Philosophy?Noel Pariñas - 2022 - Synkretic: Journal of Indo-Pacific Philosophy 1 (1):1-4.
GAMPANIN NG WIKANG FILIPINO SA PAGPAPALAGANAP NG IMPORMASYON BILANG TUGON SA COVID-19 SA LUNGSOD QUEZON.Jerrylen Giva, Charise Fortich & Sheila Mae Paet - 2020 - GAMPANIN NG WIKANG FILIPINO SA PAGPAPALAGANAP NG IMPORMASYON BILANG TUGON SA COVID-19 SA LUNGSOD QUEZON 1 (1):1-10.
Filipino Philosophy: Towards a Nationalistic View.Ian Anthony Davatos - 2021 - Suri: Journal of the Philosophical Association of the Philippines 9 (1):116-131.
Muni: paglalayag sa pamimilosopiyang Filipino.Jovito V. Cariño - 2018 - Manila, Philippines: UST Publishing House.

Analytics

Added to PP
2023-07-01

Downloads
3,037 (#2,452)

6 months
1,808 (#401)

Historical graph of downloads
How can I increase my downloads?

Author's Profile

Mark Joseph Santos
De La Salle University

Citations of this work

No citations found.

Add more citations

References found in this work

No references found.

Add more references